Kuwentong Lawan


📷 Anthony Madali

Isang grupo ng kabataan ang nagsama-samang bumuo ng tambayan sa dagat. Nagumpisa lamang ito bilang kubo sa may dagat at sa kalaunay nilagyan nila ng daan patungo rito. Hindi biro ang kanilang ginawa sapagakat kinakailangan dito ang oras at dedikasyon plus mga materyales na kinakailangan. Suportado naman sila ni lolo Momong sapagkat lahat ng kawayan ay galing sa lupa nito. Kaya tinawag nila itong "Momong Land". Marami pa ang idadagdag na mga kubo ng mga kabataan at nagtatanim din sila ng mga mangrooves sa paligid nito. Sana po ay masuportahan natin sila, wala pong entrance fee dito may donation box lang po na nakasabit sa may gate. Bisitahin po natin at suportahan.

No comments:

Post a Comment